Taguig city University, sinisiguro ang kinabukasan ng kanilang mga mag-aaral, Career Fair 2019

Inaasahang bago pa man tanggapin ng mga mag-aaral ng Taguig City University ang kani-kanilang mga diploma o katunayan ng pagtatapos ay nasa tamang landasin na tungo sa kanilang pag-unlad.

Ito ay dahil muling binuksan ng Taguig City University sa pamamagitan ng kanilang career development and placement office, ang napakaraming lagusan para sa pagsisimula ng pagtupad ng kani-kanilang pangarap.

Ayon kay Ginoong Aljie Keemper l. Dacusin, director ng TCU Career Development and Placement Office, sinikap nitong mapalawak ang oportunindad para sa mga magtatapos ng kanikanilang kurso dito TCU. Aniya, mula sa Exclusive Mini Jobfair ng TCU ilang taon na ang nakakaraan, ginawa niya itong Mega Jobfair mula nang maupo siyang director ng kanilang tanggapan noong 2016.


Aniya, noon ay nasa 800 hanggang isang libong mga student applicant ang isinasagawang Jobs Fair ng TCU hanggang ito ay tumaas nang mula isang libo hanggang isang libo limangdaan pero, hindi nila alam kung ilan ang talaga ang nabibigyan ng trabaho o hots.

Samantala, umaasa si Dacusin na marami ang masuwerteng magkakaroon ng trabaho sa isinasagawa nilang job fair nito.

Facebook Comments