Taguig Cong. Alan Peter Cayetano, ipinipilit na lamang ang term-sharing sa speakership

Naniniwala si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na nakakaramdam na ng pagkatalo sa speakership race si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano laban kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kaya ipinipilit nito na mayroong term-sharing na kasunduan.

 

Giit ni Pimentel, naging consistent naman ang pangulo sa kanyang mga sinabi lalo na nitong huli na hindi siya makikialam sa usapin ng speakership ng Kamara at malinaw na ipinauubaya ang isyu sa mga kongresista.

 

Paliwanag ng mambabatas na ito rin ang paniniwala ni Velasco kaya sinusunod lamang niya ang sinabi ng pangulo na hindi makikialam sa speakership ng 18th Congress.


 

Mukha aniyang batid na ni Cayetano ang pagkatalo sa speakership dahilan nang pagpipilit nito sa term-sharing nila ni Velasco.

 

Kung bilang lang din ang paguusapan, hindi hamak na may solidong suporta na mula sa mga kongresista si Velasco matapos ang lumabas na manifesto of support.

Facebook Comments