Taguig Hall of Justice, binulabog ng bomb threat

Taguig City – Binulabog ng bomb threat ang buong Hall of Justice ng Taguig City matapos makatanggap ng pagbabanta ang isang empleyado nito.

Sinabi ni Taguig chief of police Senior Superintendent Alexander Santos, alas otso y media ng umaga ng makatanggap ng isang text message ang isang hindi na pinangalanan kawani ng hukuman.

Hindi binalewala ang banta at agad na ipinarating ang impormasyon sa mga otoridad.


Agad na pinalabas ng mga otoridad lahat ng empleyado at nagsagawa ng paneling sa gusali ng katarungan, sa tulong ng K9 unit at bomb squad ng Taguig PNP.

Makalipas ang isa’t kalahating oras na paghahanap, idineklarang negatibo sa bomba ang Taguig Hall of Justice.

Alas dies ng umaga ng balik normal na ang operasyon at trabaho ng mga empleyado ng Taguig Hall of Justice.

Facebook Comments