Taguig Integrated Terminal Exchange, matatapos na ngayong taon

Bukod sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), magkakaroon pa ng isa pang integrated terminal exchange sa Metro Manila bago matapos ang 2024.

Ito ay ang Taguig Integrated Terminal Exchange na malapit nang makumpleto ngayong taon.

Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, ang TITX ay idinisenyo para makatulong sa decongestion ng mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.


Sa sandaling maging operational ay pagdudugtungin nito ang North-South Commuter Railway at iba pang sistema ng pampublikong transportasyon tulad ng mga bus at UV Express.

Ilan din lamang ito sa mga nakalinyang transport projects na target na matapos ngayong taon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Facebook Comments