Matapos ang biglaang pagsara ng pamahalaang lungsod ng Makati sa health centers sa EMBO barangays, pansamantalang magbibigay ng teleconsultations ang Taguig LGU para sa mga residente ng naturang mga barangay.
Ayon sa Taguig LGU, bukas ang teleconsultation hotlines mula 8 AM hanggang 5 PM, Lunes hanggang Biyernes.
Kabilang sa mga serbisyo sa teleconsultation ay libreng medical check-up, referral, prescriptions at laboratory requests.
Sa mga nais naman magpakonsulta ng personal sa doktor, bukas ang mga PhilHealth-accredited 31 health centers at 3 Superhealth centers ng Taguig.
Tatanggap sila ng mga pasyente mula sa EMBO barangays kung saan nais na magpakonsulta ng pasyente.
Mayroon ding catchment areas na itinalaga kung saan sila mas malapit.
Facebook Comments