Taguig LGU, nagbabala sa publiko na mag-ingat sa mga fixers

Nagbabala ang pamahalaang lungsod ng Taguig na mag-ingat sa mga ‘fixers’ at siguraduhing suriin ang mga dokumentong prinoproseso.

Ito’y matapos madiskubre na mayroong nagpapanggap na empleyado ng lokal na pamahalaan sa Taguig at nag-aalok umano ng mga serbisyo para makakuha ng mga permit at clearance.

Mula sa abisong inilabas ng Taguig, sila’y hindi mga empleyado ng city hall at ‘fixers’ lamang, at hindi affiliated sa anumang paraan sa pamahalaang lungsod.


Bunigyang-diin ng naturang lokal na pamahalaan na ang ganitong gawain ay labag sa batas at hindi dapat kilalanin.

Pinaalalahanan naman ang mga residente na huwag makipag-ugnayan o iwasang makipagtransaksyon sa mga ito.

Maaaring ipagbigay alam at itawag sa Mayor’s Complaint Center hotline na 02-7795-9944 ang mga mahuhuling fixer sa lungsod.

Facebook Comments