Naglabas na ang pamahalaang lokal ng Taguig City ng bagong panuntunan para sa dine-in at food delivery na ipatutupad ngayong panahon ng General Community Quarantine (GCQ).
Batay sa Taguig City Task Force Advisory No. 21, ang lahat ng food establishment sa lungsod ay pwede nang mag-operate 24/7 para sa kanilang delivery services.
Nakasaad din na ang mga manggagawa na maghahatid o magde-deliver ng pagkain ay kailangang magsuot ng company o store ID.
Maliban dito, dapat din silang nakasuot ng facemask at face shield, sumunod sa social distancing at tamang hand sanitation at food handling protocols.
Pinapayagan din ang dine-in operations sa lungsod perot 30% lang ang dine-in capacity ng isang food establishment mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.