Taguig LGU, patuloy na nagkakaloob ng libreng hatid at sundo

Tuloy-tuloy pa rin ang Libreng Hatid at Sundo program ng lokal na pamahalaan ng Taguig.

Para ito sa mamamayan ng Taguig na kailangang magtungo sa ospital at iba pang health facilities para magpa-checkup o sumailalim sa medical procedures tulad ng dialysis, chemotherapy o radiotherapy.

Pwede rin dito ang iba pang residente ng Taguig na nangangailangan ng medical treatment na hindi maikokonsiderang emergency case.


Kasama rin sa sineserbisyuhan ng programa ang mga senior citizen, mga buntis at may mga kapansanan.

Pinapayuhan ng Taguig LGU ang mga nais mag-avail ng programa na magtext sa 0961-7340834 dalawang araw bago ang nakatakda nilang checkup o medical sessions.

Facebook Comments