Naglunsad ang pamahalaang lungsod ng Taguig ng Roadside Emergency Assistance para sa mga motorista na tinawag na Roadside Emergency Assistance in the City of Taguig (REACT).
Layon ng programa na agarang masolusyonan ang mga vehicle breakdown sa mga pangunahing kalsada ng Taguig sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo tulad ng towing sa loob lamang ng lungsod ng Taguig, battery jump-start, flat tire replacement, at minor mechanical repairs at adjustments, at referral sa mga “talyer” para naman sa mga major mechanical issues.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, layon din ng nasabing programa na magkaroon ng ligtas at maginhawang pagbiyahe ang mga motoristang dumadaan sa kanilang lungsod.
Ang pilot testing ng nasabing programa ay mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng hatinggabi sa mga pangunahing kalsada ng Taguig, kabilang ang C6 Road, C5 Road, General Santos Avenue, DOST Area, at Cayetano Boulevard.
Maaaring tumawag ang mga motorista sa Command Center Hotline ng Taguig, o di kaya ay sa mga hotline ng Traffic Management Office para sa karagdagang impormasyon