Taguig Rep. Alan Cayetano, itinanggi ang term extension sa kanyang termino bilang house speaker

Mariing itinanggi ng susunod na House Speaker ng 18th Congress na si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na isinusulong niya ang term extension sa kanyang pag-upo bilang lider ng Kamara.

 

Giit ni Cayetano, walang katotohanan ang lumulutang na term extension sa kanyang pagupo bilang Speaker ng Kamara matapos na itulak nito ang pagpapalawig ng term limits para sa mga local officials.

 

Paliwanag ni Cayetano, malinaw ang hatian ng termino nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na 15 buwan sa kanya sa unang termino at 21 buwan naman sa natitirang termino para sa susunod na Speaker.


 

Paglilinaw ni Cayetano ang term extension ay para sa mga susunod na halal na opisyal at hindi sa mga incumbent officials.

 

Inihalimbawa ni Cayetano ang 3 taon na bawat termino ng mga kongresista na aniya’y kulang para makapagpasa ng mga mahahalagang batas para sa bansa dahilan kaya walang natatapos at walang sustainability para sa mga mahahalagang programa.

 

Dahil isinusulong din ang Federalismo kaya hinihikayat din ni Cayetano ang Senado na palawigin ang termino sa apat na taon na walang term limit o kaya ay limang taon sa tatlong termino para sa mga mambabatas dahil ito ang nakikitang praktikal na paraan para sa pagtutuloy ng mga proyekto at mga programa sa bansa.

Facebook Comments