Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, itinangging siya ang tinutukoy ni Davao Cong. Paolo Duterte sa pahayag nito

Itinanggi ni Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano na siya ang tinutukoy ni Davao Rep. Paolo Duterte kaugnay sa Speakership Race.

Matatandaang sinabi ni Pulong, na huwag na siyang idamay at huwag gamitin para sirain ang kalaban o asawa at pamilya nito.

Ayon kay Cayetano, kahit hindi sila malapit sa isat-isa ay nagawa niya pa ring ipinagtanggol si pulong sa senado matapos siyang imbestigahan sa pagkakaugnay sa drug syndicate.


Idinawit ni Cayetano ang asawa ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco na si Wen sa issue ng speakership dahil nakakausap niya umano ito sa hukbong ng pagbabago tungkol sa term sharing.

Itinanggi naman ito ng kampo ni Velasco.

Sinabing naman ni Rep. Velasco na tigilan na ang kanyang asawa dahil hindi naman daw ito nakikialam.

Facebook Comments