Nagpasalamat si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano kay Pang. Duterte sa katatapos na anunsyo nito tungkol sa speakership sa 18th Congress.
Sa kanyang FB live pagkatapos ng meeting sa Malacañang, pinasalamatan rin ni Cayetano ang iba pang contenders kabilang sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na makaka-term sharing nya sa pagiging speaker at si Leyte Rep. Martin Romualdez na magiging majority leader.
Sinabi ni Cayetano na gusto niyang maging House of the People ang Kongreso kung saan mangingibabaw ang good governance sa Kamara.
Gaya anya ni Pangulong Duterte, pwede ring magkaroon ng political will sa Kongreso laban sa korapsyon at maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino.
Umaasa rin ang incoming speaker ng magandang relasyon ng mababang kapulungan sa Senado, hudikatura at ehekutibo.