Tagum, Davao Del Norte niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Naramdaman ang 3.4 magnitude na lindol sa lungsod ng Tagum sa Davao Del Norte pasado alas-8:00 kaninang umaga.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOCLS) ang episentro ng lindol sa layong 75 kilometers Silangan ng Tagum.

May lalim itong 13 kilometers at tectonic ang pinagmulan.


Wala namang nasawi o nasaktan dahil sa pagyanig habang wala ring inaasahang aftershocks.

Facebook Comments