Nakiisa rin sina Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund S. Yamsuan at Deputy Majority Leader and Ang Probinsyano Party-list Representative Alfred Delos Santos sa mga kongresista na nagpahayag sa Gilas Pilipinas.
Kaugnay ito sa pagsungkit ng Gilas Pilipinas ng gold medal sa 19th Asian Games.
Diin ni Yamsuan, ang naturang tagumpay ng Gilas Pilipinas ay tagumpay rin ng buong sambayanang Pilipino.
Naniniwala naman si Delos Santos na malaki ang nagawa sa buong team ng bagong coach nito kumpara sa coach nito noong FIBA World Cup.
Bunsod nito ay iminungkahi ni Delos Santos na magkaroon ang Gilas Pilipinas ng foreigner head coach at foreigner assistant coaches’ para sa pagsagupa nito sa FIBA Olympics Qualifying Tournament sa susunod na taon.