Binigyang parangal sa nakalipas na 4Ps Summit sa San Nicolas ang mga natatanging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Kinilala sa aktibidad ang Board Passers, Exemplary Child Beneficiaries, Huwarang Pamilya, Parent Leaders, at barangay na may pinakamahusay na Garden sa ilalim ng programa.
Layunin ng summit na palawakin ang kaalaman ng mga benepisyaryo tungkol sa kanilang mga benepisyo at responsibilidad sa ilalim ng programa.
Nagbigay rin ng impormasyon at serbisyo ang iba’t ibang partner offices at ahensya upang mas mailapit sa mga pamilya ang mga oportunidad sa edukasyon, kalusugan, at kabuhayan.
Ang 4Ps Summit ay bahagi ng patuloy na pagsuporta sa mga pamilyang benepisyaryo upang makamit ang mas maayos at mas matatag na kinabukasan hanggang sa kakayanin na nilang hindi dumepende sa programa.







