Tagumpay ng PRO2, Ibinida sa Press Con!

97

Quirino Province- Masayang ibinahagi ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang kanilang tagumpay sa pangunguna ni Regional Director, PCSupt. Jose Mario Espino sa ginanap na Press Conference kahapon, May 11, 2018 sa Quirino Police Provincial Office.

Sa puspusang pagkilos ng kapulisan sa pagbabantay sa kaayusan ng Barangay at SK eleksyon, ipinakita ni Regional Director PCSupt. Espino ang ibat-ibang kalibre ng mga baril na kanilang nakuha mula sa kanilang isinagawang “Oplan Katok” at “Oplan Paglalansag” kung saan dalawampu’t lima sa mga naturang baril ay nakuha ng Isabela Police Provincial Office sa mga kandidatong tumatakbo ngayong eleksyon.


Samantala, iprinisinta pa ni Regional Director PCSupt. Espino ang mga naarestong wanted sa batas na kinabibilangan ng isang Top 8 Provincial Level at Top 2 Most Wanted Municipal Level sa kasong rape na si Alfredo Balaweg Jr. Sa Jones, Isabela habang nasa dalawang kalalakihan naman ang naaresto ng PNP Nueva Viscaya sa kasong Rape maging ang dalawampu’t isang katao na nahuli ng PNP Quirino kabilang ang Top 1 sa kanilang listahan.

Ayon pa kay PRO2 Regional Director PCSupt. Espino, hindi umano magpapabaya ang kapulisan sa kanilang tungkulin upang supilin ang kriminalidad sa kanilang nasasakupan lalo na sa paglulunsad ng kampanya at operasyon kontra iligal na droga, illegal possession of fire arms at iba pang mga krimen na nagaganap dito sa rehiyon.

Facebook Comments