Tagumpay ng vaccination program ng pamahalaan, natitiyak na magtutuloy-tuloy na

Tiwala si House Speaker Lord Allan Velasco na nagpapakita na ng malinaw na senyales ng tagumpay ang vaccination program ng pamahalaan.

Ito ay bunsod na rin ng patuloy na pagbaba sa bilang ng mga nagkakaimpeksyon ng COVID-19 sa mga nakalipas na linggo na sinabayan pa ng katatapos lamang na National COVID-19 Vaccination Days.

Magkagayunman, kailangang mapanatili ang patuloy na pagbabakuna hanggang sa mabakunahan na ang sapat na bilang ng mga Pilipino para makontrol ang pandemya.


Bunsod nito ay hinihikayat ng Speaker ang mga eligible Filipinos na magpabakuna na at samantalahin ang pagkakataon sa ikalawang pagsasagawa ng “Bayanihan Bakunahan” sa Disyembre 15 hanggang 17.

Giit ng kongresista, may sapat na bakuna ang bansa at parating pa ang mas maraming booster kaya naman mainam na mapanatili ang momentum upang maging masaya ang pagpasok ng holiday season.

Facebook Comments