Manila, Philippines – Naging matagumpay ang pagdiriwang ng ika-32 anibersaryo ng Edsa People Power revolution kahapon, Pebrero 25.
Sinimulan ito sa misa kung saan pinaalala sa mga dumalo ang healing para maging buo muli ang bansa.
Pinangunahan naman ni dating Pangulong Ferdinand V. Ramos ang flag raising ceremony at ang pag-aalay ng bulaklak.
Hindi rin nawala sa pagdiriwang ang tradisyunal na salubungan ng mga tangke at mga sibilyan.
Bagaman kakaunti lang ang dumalo, sinabi ni National Historical Commission of the Philippines Chairman Rene Escalante na hindi ito nangangahulugan na nananamlay na ang diwa ng Edsa.
Facebook Comments