TAGUMPAY | Pagpabor ng DOJ kay Sister Patricia Fox, welcome development para sa Makabayan

Manila, Philippines – Tagumpay na maituturing para sa Makabayan ang pagpabor ng Department of Justice sa petisyong inihain ni Sister Patricia Fox na walang legal rights ang Bureau of Immigration na i-forfeit ang kanyang visa.

Ang reaksyon ay kasunod na rin ng pagbaligtad ng DOJ sa desisyon ng BI na i-deport si Sister Fox at bawiin ang kanyang missionary visa.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, welcome para sa kanila ang desisyon ng DOJ kung saan mananatili pa si Sister Fox sa bansa para maipagpatuloy ang kanyang mga missionary activities.


Aniya, nararapat lamang ang pagpuri sa DOJ lalo na kay Justice Sec. Menardo Guevarra dahil sa hindi nito pagkatig sa desisyon ng BI.

Matatandaang sinabi ni Guevarra na malawak ang kapangyarihan ng BI sa mga pumapasok at mga matatagal na nananatili na mga dayuhan sa bansa pero hindi sakop ng kapangyarihan ng Immigration ang pagbawi sa visa.

Facebook Comments