Tagumpay sa war on drug at terorismo, ibibida ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address

Manila, Philippines Ibibida ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo a-24 ang tagumpay sa kaniyang kampaniya kontra droga at terorismo.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, war on drugs pa rin ang outstanding accomplishment ni Pangulong Duterte.

Aniya, karamihan sa mga kriminal na nasa likod ng karahasan sa bansa ay pawang lulong sa droga.


Kasabay nito, iginiit ng kalihim na sinisikap ng pamahalaan na matapos na ang Marawi crisis bago pa man ang sona ng pangulo at para masimulan na rin ang rehabilitasyon sa naturang lugar.

Facebook Comments