TAHANAN NG ISANG CONSTRUCTION WORKER SA MANGALDAN, SINILBIHAN NG SEARCH WARRANT

Paglabag sa RA 10591 na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang construction worker matapos magtagumpay ang implementasyon ng search warrant sa bayan ng Mangaldan.
Ang suspek ay nakilalang si Rommel Bacaybay residente ng Brgy. Macayug sa nasabing bayan.
Isinilbi ang search warrant sa tahanan nito pasado alas tres ng madaling araw na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang Caliber 38 revolver, at dalawang bala.

Sa Ngayon ay patuloy pang tinutugis ang suspek na wala sa kanyang bahay ng isilbi ang nasabing search warrant. |ifmnews
Facebook Comments