“Tahanang Pinakamasaya” ng TAPE Inc. may kapalit nang programa

Usap-usapan sa social media na posibleng nag-last day na raw ang noontime show na “Tahanang Pinakamasaya” nitong Sabado, March 2.

Sa ilang social media posts ay nakasaad na maglalabas ng Joint-Statement ang Kapuso network at ang TAPE Inc. sa Lunes, March 4.

Simula rin bukas ay mga replay episodes daw muna ang ipapalabas sa GMA 7 bago ang ipapalit na palabas sa susunod na linggo.


Ang “Tahanang Pinakamasaya” ang ipinalit ng TAPE, Inc. sa “Eat Bulaga” nang katigan ng korte ang inihaing petisyon nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon kaugnay sa trademark.

Nagsisilbi ritong hosts sina Isko Moreno, Paolo Contis, Betong, Cassy at Mavy Legaspi, at iba pang Kapuso stars mula noong Hunyo 2023.

Facebook Comments