Manila, Philippines – Naging mapayapa ang pagpapalawig sa filling ng Certificate of Candidacy (COCs) para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections sa Mayo 14.
Gayunman, aminado si Commission on Election Spokesman Director James Jimenez na kakaunti lang ang mga naghain ng COCs na nagtapos noong Abril 21.
Kasabay nito, naglabas ng panuntunan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko para maging gabay sa kanilang mga ihahalal na kandidato sa Mayo 14.
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, dapat tandaan ang tatlong “M” o ang kandidatong matino, mahusay at maaasahan.
Aniya, hindi dapat iboto ang mga kapitan at kagawad na sugarol at lasenggo dahil pangungurakot o pagnanakaw lamang ang gagawin ng mga ito.