Manila, Philippines – Wala pang reaksyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa issue ng pagbabalik ng Bitag Media nila Erwin at Ben Tulfo ng 60 million pesos na ibinayad sa kanila ng Department of Tourism na pinamumunuan ng kanilang kapatid na si Secretary Wanda Teo sa pagere ng tourism ads sa block time program ng mga Tulfo sa PTV 4.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, posibleng sa balita palang nalalaman ng Pangulo ang issue ng pagbabalik ng 60 million pesos na ibinayad sa mga Tulfo mula sa DOT.
Nabatid na ang nasabing halaga ay para lamang sa Advertisement placement ng DOT sa Bitag Media noong 2017 lamang at hindi pa kasama ang pondo sa kasalukuyang taon.
Ayon sa ilang source na hindi na nagpabanggit ng pangalan ay mayroong pang mga Tourism ADS na umere sa programa ng Tulfo brothers sa PTV 4 sa unang bahagi ng 2018 na umano ay umaabot sa humigit kumulang 30 million pesos.
TAHIMIK | Pangulong Duterte wala pang aksyon sa pagbabalik ng 60 million pesos ng bitag media sa DOT
Facebook Comments