
Inanunsyo ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang nakatakdang pagkuha ng Taiwan ng karagdagang mga manggagawang Pilipino.
Ayon kay MECO Chairperson Cheloy Garafil, ito ay sa harap ng patuloy na paglago ng ekonomiya ng Taiwan.
Sa ngayon, mahigit 200,000 ang Pinoy workers sa Taiwan kung saan karamihan dito ay nasa sektor ng kalusugan at semi-conductors.
Kinumpirma rin ni Garafil na nagbugas ang Taiwan sa mga nais mag-aral ng senior high school at college sa nasabing bansa.
Tiniyak naman ng MECO na inihahanda na nila ang kanilang programa para sa mga Pinoy na gustong mag-aral sa Taiwan.
Facebook Comments









