Taiwan, naghahanap ng mga batang magsasaka

Nangangailangan ng mga Pilipinong magsasaka ang Taiwan.

Ayon sa Taipei Economic Cultural Office sa Manila, bubuksan ng Taiwan ang open application para sa internship program sa Hunyo.

Layunin ng programa na mabigyan ng kapangyarihan ang mga batang Pilipinong magsasaka na maging farm leaders at negosyante sa pamamagitan ng pagtuturo sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya, estatehiya, at teknik.


Sa ngayon, nasa 126 na batang magsasaka ang sumasailalim sa training sa pamamagitan ng Filipino Young Farmer Internship Program sa Taiwan.

Nasa 30 farm na ang nabisita ng mga magsasaka sa 11 buwang hands-on internship.

Bibigyan ang mga intern ng ₱50,000 na grant ng Department of Agriculture (DA) para makaagapay sa agricultural sectors sa Pilipinas.

Bukas ang aplikasyon hanggang sa March 15.

Facebook Comments