Taiwan, pansamantalang sinuspinde ang visa-free privilege sa 12 bansa kabilang ang Pilipinas

Pansamantalang sinuspinde ng Bureau of Consular Affairs (BOCA) sa Taiwan ang visa-free entry privilege sa 12 bansa kung saan kabilang dito ang Pilipinas.

Maliban sa Pilipinas ay kabilang din sa sinuspinde ang naturang pribilehiyo sa mga bansang Chile, Dominican Republic, Israel, Japan, Republic of Korea, Nicaragua, Singapore, Malaysia, Thailand, Brunei at Russia.

Ayon kay Taiwan Foreign Ministry spokesperson Jeanette Ou, sasailalim pa ito sa review sa susunod na bugso ng kanilang considerations.


Dagdag pa nito, malaki ang pagpapahalaga ng Taiwan sa magandang relasyon nito sa Pilipinas.

Mababatid na inanunsyo ng Taiwan nitong September 5 na aabot lamang sa 54 mula sa 66 na bansa ang nabigyan ng visa waivers.

Sa ilalim ng visa-exemption ay maaaring makapasok ang isang indibidwal sa Taiwan ng hanggang 30 araw pero sasailalim pa rin sa tatlong araw na quarantine at PCR test pagdating sa naturang bansa.

Facebook Comments