Taiwan, pinalawig ang visa-free privilege sa mga Pilipino

Pinalawig pa ng Taiwan nang isang taon ang visa-free privilege para sa mga Pilipino.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs, kwalipikado sa visa exemption program ang mga Pilipino, maliban sa mga mayroong diplomatic o official/service passports, nais bumisita sa Taiwan sa loob ng 14 na araw epektibo sa August 1, 2023.

Bukod sa mga Pinoy, pinagkalooban din ng Taiwan ng 14-day visa-free privilege ang mga mamamayan ng Brunei at Thailand.


Nagpasya ang Taiwan na palawigin ang nasabing pribilehiyo dahil sa pangangailangan ng bansa na buhaying muli ang mutual bilateral exchanges at turismo na matinding naapektuhan ng pandemya.

Tatagal ang visa-free privilege hanggang sa July 31, 2024.

Facebook Comments