Taiwan, tuloy ang pagkuha ng Pinoy teachers

Inanunsyo ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na tuloy ang pagkuha ng Taiwan ng mga Pilipinong guro.

Ayon sa MECO, maaaring umabot ng hanggang ₱100,000 ang sahod kada buwan ng mga gurong papasok sa Taiwan.

Ang kailangan lamang ay resumé, diploma at lisensya mula sa Professional Regulation Commission (PRC) at hindi kailangan ang may experience.


Nilinaw rin ng MECO na direct hire ang mga mag-a-apply at wala itong age limit.

Maaari ding isama ng guro ang kanilang pamilya, kung kaya’t ang mga interesadong Pinoy teachers ay mag-email lamang sa MECO.

Una nang inanunsyo ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) na nangangailangan sila ng English teachers at teaching assistants.

Sa ngayon ay umaabot na sa 200 na mga Pilipinong guro sa Taiwan.

Facebook Comments