Arestado ng Bureau of Immigration (BI) sa magkahiwalay na operasyon ang isang Taiwanese at isang Korean national na sangkot sa kasong fraud sa kani-kanilang mga bansa.
Kinilala ang Korean national na si Yoo Moon Jong, 53, at convicted sa South Korea sa fraud at intimidation charges.
Nabatid na nakatangay si Yoo ng 52,000 US dollars sa kanyang biktima na kalaunan ay pinagbintangan nitong papatayin matapos na magsampa ng kaso laban sa kanya.
Ang naaresto namang Taiwanese ay nakilalang si Chen Yan Syun, 30, na sinasabing miyembro ng money laundering syndicate sa Taiwan na nakapambiktima na ng maraming kababayan nito.
Ang dalawang dayuhan ay nakatakdang i-deport sa kani-kanilang bansa at otomatiko silang blacklisted para hindi na makabalik ng Pilipinas.