Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted sa Taipei dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang kababayan.
Kinilala ang dayuhan na si Huang Kuan-I, 53 taong gulang.
Nabatid na taong 2009 pa nagsimulang magtago sa Pilipinas si Huang bago pa man siya nahatulan sa Taiwan ng walong taong pagkakabilanggo.
Ang nasabing Taiwanese ay kinasuhan ng attempted murder sa Taipei matapos nitong barilin ang kanyang kababayan sa gitna ng mainitang pagtatalo.
Siya ay nakatakdang ipa-deport at awtomatikong ilalagay sa blacklist ng BI para hindi na muli makapasok ng Pilipinas.
Facebook Comments