
Kinumpirma ng Southern Police District (SPD) na naaresto na ng Pasay Police ang mastermind sa brutal na drum murder’ case.
Ayon sa SPD, isang Taiwanese national ang natukoy na principal suspect sa pagpatay at pag-chop-chop sa labi ng biktimang Chinese national kung saan ang labi nito ay na-recover sa loob ng drum sa Binondo, Manila.
Kinumpirma ng SPD na 1:30 PM kanina natunton ang Taiwanese suspect sa loob ng Okada Hotel and Casino sa Seaside Boulevard, Parañaque City.
Iniulat din ng SPD na ang 32 anyos na dayuhan na kilala sa alias “Davao,” ay natukoy na nasa likod ng pagpatay at pag-chop-chop sa Chinese national na si “Xiangyang”.
Natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima sa membership shopping card na na-recover ng mga awtoridad.
Ang Taiwanese suspect ay nasa kustodiya na ng pulisya at nakatakda siyang isailalim sa inquest proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office.









