Taiwanese sa Boracay pinagmulta dahil sa pagsuot ng string bikini

Contributed Photo

Pinagmulta ang isang babaeng Taiwanese matapos magsuot ng swimsuit na gawa lamang sa “string” sa Boracay Island noong nakaraang linggo.

Kaagad naging viral sa social media ang bikini ng dayuhan dahil “kita na ang kaluluwa nito”.

Pahayag ni Floribar Bautista, acting mayor ng Malay, Aklan, lumabag ang bakasyunista sa Ordinance No. 203 o pagbabawal sa pagsuot ng malaswang damit habang nasa naturang isla.

Pinatawag sa presinto ang banyaga at pinagmulta ng P2,500.

Depensa ng turista, wala siyang nakikitang mali sa sinuot na two-piece.

Isa umanong “form of expression” ang ginawa niya at sadyang “proud” lang siya sa kaniyang katawan.

Hindi rin umano ipinagbabawal sa bansang Taiwan ang pagsusuot ng two-piece string swimwear.


Facebook Comments