TAKAS | 7 pa sa 23 presong pumuga sa Bacoor City Jail, posibleng nagtatago sa labas ng Metro Manila

Cavite – Posibleng nasa labas na ng Metro Manila ang pito sa dalawampu’t tatlong preso na nakapuga sa Bacoor City Jail noong Biyernes.

Ayon kay Police Senior Superintendent William Segun Director ng Cavite Provincial Police Office, bagaman at walang banta sa seguridad ng publiko, kailangan pa ring maibalik sa kulungan ang mga nakatakas ng bilanggo sa lalo at madaling panahon.

Kaugnay nito, nagpakalat na ang Cavite PNP ng mga larawan ng pitong preso.


Hinikayat din ni Segun ang mga kaanak ng mga preso na makipagtulungan sa PNP.

Nauna nang naibalik sa kulungan ang 16 na preso kung saan nadakip ang utak ng jail break na si Jene Lloyd Teano Bernabe.

Facebook Comments