Pasay – Pinaghahanap na ng kaniyang kabaro ang isang bagitong pulis na nagwala at namaril sa isang restaurant sa Arnaiz Avenue, Pasay City noong nakaraang araw.
Kinilala ang nagwalang pulis na si PO1 Ivan Ichiro Ramos, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 4.
Kitang-kita pa sa CCTV, ang insidente kung saan sinita niya ng apat na kalalakihan na pawang mga guwardya ng Midas Hotel and Casino habang nag-iinuman sa nasabing restaurant.
Dito na hinampas ng suspek ang braso at dibdib ng ilan sa mga biktima saka tinadyakan.
Hindi pa nakuntento ang pulis at nagwala pa ito at namalo ng bote ng alak hanggang sa bumunot ng baril at nagpaputok.
Mabilis itong tumakas sakay ng motorsiklo at hanggang ngayon ay hindi pa din nagre-report sa kanilang opisina.
TAKAS | Bagitong pulis na nagwala sa isang restaurant sa Pasay City, hindi pa din sumusuko
Facebook Comments