Takbo at proseso ng economic Cha-cha Bill sa Senado, hindi dapat maapektuhan ng Kamara

Iginiit ni Senator Imee Marcos na hindi dapat maapektuhan ang takbo ng proseso ng Resolution of Both Houses No. 6 ng Senado dahil lamang naipasa na ang economic Charter change (Cha-cha) version ng Kamara.

Ayon kay Marcos, ang pag-apruba sa Resolution of Both Houses No. 7 sa Kamara ay hindi dapat makaimpluwensya at makaapekto sa takbo at paraan ng pagsasagawa ng deliberasyon ng Senado.

Aniya, ang isa sa pinakamahalagang isyu na dapat tugunan ay ang rules sa pagsasagawa ng botohan ng Constituent Assembly.


Muli namang tiniyak ni Senate subcommittee on Constitutional Amendments Chairman Senator Sonny Angara na mayroong sariling schedule ang mataas na kapulungan para sa Cha-cha at hindi lang naman ito ang prayoridad ng Senado.

Wala rin aniyang pagbabago sa naunang inanunsyong schedule para sa RBH6 kung saan target na iakyat sa plenaryo ito bago ang SONA ng pangulo sa July at sa Oktubre naman ito nakatakdang aprubahan ng Senado.

Facebook Comments