TAKBO LABAN ABUSO FUN RUN, AARANGKADA NGAYONG ARAW

Isinasagawa ngayong araw, August 30, 2025 ang Takbo Laban sa Abuso, Ligtas ang Batang Dagupeño Fun Run sa Tondaligan Beach, Bonuan Gueset, Dagupan City.

Sentro ng aktibidad ang pagsusulong ng laban kontra sa karahasan at abuso sa mga kabataang Dagupeños, at maitaguyod ang proteksyong nararapat para sa kanila.

Katuwang ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang iba’t-ibang ahensya tulad ng Dagupan PNP, BFP, at iba pang mga Departamento upang tiyakin ang kahandaan at kaligtasan ng mga dadalo.

Samantala, pansamantalang isasara ang Paras Street at Ayusip Road sa nasabing barangay upang bigyang daan ang pagsasagawa ng kampanya.

Nakahanda naman ang mga water station at first-aid post sa mga dadaanang ruta upang tugunan ang posibleng mga emerhensiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments