Takbo ng ekonomiya ng bansa, gumanda sa unang taon ng administrasyong Duterte

Manila, Philippines – Ibinida ngayon ni Finance Secretary Carlos Dominguez malaki ang iginanda ng takbo ng ekonomiya ng bansa sa loob ng isang taong pangunugnkulan ng administrasyong Duterte.

Sa press briefing dito sa Malacanang kanina ay sinabi ni Dominguez na ang bansa ay itinuturing nilang fiscally secured.

Paliwanag ng kalihim, nananatiling maganda ang investment rating ng Pilipinas na ibinibigay ng credit rating companies tulad ng Moody’s.


Ibinida din nito na tumaas ang Gross Domestic Product ng bansa ng 6.68% sa unang tatlong quarter ng nakalipas na taon na mas mataas naman sa kaparehong panahon sa mga nakalipas na administrasyon.

Sa loob din aniya ng 11 buwan ay nasa 2.64% lamang ang inflation rate ng bansa na pinaka mababa kung ikukumpara sa mga nakalipas na administrasyon.

Malaki din aniya ang nakolekta ng Gobyerno kung saan aabot ito ng 2.09 trillion pesos na epekto aniya ng mas pinaigting na pagbabantay ng pamahalaan sa mga revenue agnecies ng gobyerno.

Facebook Comments