“Takbo Para sa West Philippine Sea”, isasagawa ng National Task Force-WPS at PCG sa iba’t ibang panig ng bansa

Inilunsad ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Task Force-West Philippine Sea (NTF-WPS) ang “Takbo Para sa West Philippine Sea – Ang Yaman Nito ay Para sa Pilipino”.

Magaganap ang aktibidad sa July 7 sa Manila, August 4 sa Cebu at September 8 sa Cagayan de Oro.

Ayon kay Coach Rio Dela Cruz, organizer ng event, layon nito na bukod sa pagpapahusay ng kalusugan ay maipakalat pang lalo ang kaalaman sa ipinaglalaban ng bansa na karapatan sa West Philippine Sea.


Sa pamamagitan ito ng mga activity booths at exhibits na itatayo sa pagdarausan ng aktibidad kung saan mababasa at makikita dito ang impormasyon tungkol sa West Philippine Sea.

Sinabi naman ni NTF WPS Spokesman National Security Council Assistant Dir. Gen. Jonathan Malaya na mahalaga ito para labanan ang fake news sa labas at maging loob ng bansa.

Umaasa silang makatutulong ito para maitaas ang kamalayan, kaalaman, at paglahok ng mas maraming Pilipino para ipagtanggol ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Facebook Comments