Libu-libo ang nakiisa sa fun run na isinagawa sa Pasay City kaninang umaga.
Layon ng “Takbo Para Sa WPS, Ang Yaman Nito ay Para sa Pilipino,” na imulat ang publiko sa nangyayari sa West Philippine Sea at suportahan ang mga adbokasiya kaugnay dito.
Ayon sa PNP Maritime Group, nasa 7,000 ang lumahok sa event na isinagawa sa SM Mall of Asia.
Ang naturang fun run ay inorganisa ng National Task Force for the West Philippine Sea sa pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard, Presidential Communications Office at Runrio Inc.
Bukod sa fun run, nagkaroon din ng iba’t ibang aktibidad na nakatutok sa pagkakaisa, kalusugan at advocacy para sa WPS.
Facebook Comments