Takdang araw para sa graduation at moving rites ng mga mag-aaral, kasado na

74

Nagtakda na ng petsa ang Department of Education (DepEd) para sa isasagawang graduation at moving rites ng mga mag-aaral sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, maaaring isagawa sa ika-12 ng Hulyo hanggang 16 ang end-of-school-year rites ng mga nasa Kindergarten, Grade 6, 10 at 12.


Ito ay sa oras na matapos na ang school year end sa ika-10 Hulyo.

Kasabay nito, nilinaw naman ng kalihim na desisyon na ng mga pribadong eskwelahan ang pagsasagawa ng graduation rites base sa kanilang school calendars.

Ang theme ng graduation rites ngayong 2021 ay “Strengthening the Quality of Education Amid the COVID-19 Pandemic.”

Facebook Comments