Takdang presyo para sa COVID-19 test kits, ilalabas na ng DOH ngayong linggo

58

Posibleng ilabas na ng Department Of Health (DOH) ang takdang presyo para sa COVID-19 test kits ngayong linggo.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ito ay para matiyak na patas at abot-kaya ang presyo nito.


Nagbigay naman si Health Sec. Francisco Duque III ng deadline para mag isyu ng polisiya.

Matatandaang sa pamamagitan ng Executive Order 118, binigyang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOH sa pakikipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI), na tukuyin at magpatupad ng price range para sa COVID-19 tests at test kits alinsunod na rin sa umiiral na batas, para matiyak na ang lahat ng ito ay patas at sensitibo sa lahat ng stakeholders.

Facebook Comments