Taklobo o giant clam, nangitlog ng higit 9 milyon

Sa kauna-unahang on-site spawning ng Malampaya Foundation, Inc. (MFI), nakabuo ng higit 9 milyong itlog ang pinakamalaking kabibe sa buong mundo, uri na tubo sa Palawan.

Ayon sa MFI, 9.5 milyong itlog ang na-fertilize mula sa native giant clam na ginagamit for breeding sa Western Philippines University (WPU) Hatchery, sa Puerto Princesa City.

Clam induces sperm cells and egg cells. Courtesy: MFI

Katuwang ang WPU at sa ilalim ng superbisyon ng University of the Philippines Marine Science Institute (UPMSI), pinangunahan ng MFI ang pagpaparami ng giant clams, na itinuturing nang endagered sa bansa.

Noong 1980s, idineklara nang extinct ang Tridacna gigas o ‘taklobo’ sa bansa bago napag-alamang matatagpuan pa rin ito sa Palawan, partikular sa Dos Palmas.

Ayon sa WPU, ang nasabing uri ng clam ay mahirap paramihan dahil sa kakaunting bilang nito.

Ang ginawang spawning ay kaugnay ng “Strings-of-Pearls Project” ng MFI na nagsimula noong nakaraang taon, na matagumpay ding nakapagparami ng dalawa pang uri ng giant clam.

Facebook Comments