TAKOT? | Mga Pinoy, takot pumalag sa war on drugs

Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Francis Kiko Pangilinan na may halong takot ang sagot na ‘oo’ sa Survey ng Social Weather Station kung saan lumabas na 8 sa bawat 10 mga Piliino ay pabor sa war on drugs.

Ipinunto ni Pangilinan na kaliwa’t kanan ang napapatay sa Oplan Tokhang kaya andyan ang takot na mapapatay din ang magpapahayag ng pagtutol sa war on drugs.

Aminado naman si Senator Bam Aquino na problema talaga ang iligal na droga sa bansa pero ang kwestyunable ay ang paraan ng pagresolba dito ng administrasyong Duterte.


Paliwanag ni Aquino, sa halip na pagpatay at karahasan ay dapat maglatag ang pamahalaan ng rehabilitasyon at community intervention.

Facebook Comments