TAKOT NA | Mga batang ayaw nang magpabakuna, ikinababahala

Manila, Philippines – Nangangamba si dating DOH Secretary Esperanza Cabral at maging si Dr. Francisco Tranquilino Faculty ng UP PGH kung hindi magpabakuna ang mga bata dahil sa takot na mamatay sa kontrobersiya na usapin ng Dengvaxia kung saan ay marami na umanong nasawi.

Ayon kay dating DOH Secretary Esperanza Cabral na 80 porsyento na hindi naturukan ng Anti-Tetanus ay posibleng magkaka-tetano at kapag hindi naman nabakunahan ng Anti-Polio ay maaaring magkasakit ng polyo o kaya ay maparalisado dahil sa hindi nabakunahan ng naturang mga vaccine.

Giit pa ni Dr. Tranquilino, dapat maging maingat ang mga opisyal ng pamahalaan tungkol sa pagsasalita tungkol sa Dengvaxia dahil mahirap umanong maibalik na ang tiwala ng publiko sa naturang usapin.


Patutsada pa ni Dr. Tranquilino sa mga kasamahan niyang doktor na panay ang salita sa mga telebisyon, kung wala naman silang expertise sa naturang usapin dapat umanong itikom nalamang nila ang kanilang mga bibig o manahimik nalamang sila upang hindi makakalikha ng panik sa publiko.

Facebook Comments