Manila, Philippines – Sa kabila ng imahe ng pagiging matapang ni Pangulong Rodrigo Duterte, naduduwag naman pala ito sa International Criminal Court (ICC). Ayon sa grupong Tindig Pilipinas, sa kabila ng matapang na pag kompronta ni Duterte sa mga dayuhang kapangyarihan, ang pagkalas sa ICC ay indikasyon na huwad ang ipinangangalandakan nito na poprotektahan ang mga mamamayan. Desperado na anila si Duterte na makawala sa mahabang kamay ng ICC na nag-iimbestiga sa human rights abuses sa giyera laban sa illegal na droga. Pero, kumpiyansa ang Tindig Pilipinas na ang pagkalas sa ICC ay hindi makakaapekto sa gumugulong na pagiimbestiga ng United Nations Special Rapporteur at sa preliminary investigation ng ICC.
Facebook Comments