Tala Hospital sa Caloocan City, puno na rin ang mga kama para sa mga COVID-19 patients

Naglabas na rin ng abiso ang Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Tala, Caloocan na punuan na rin ang mga kama na nakalaan sa mga COVID-19 patients nito.

Ito ang inanunsyo ng Medical Director nito na si Dr. Alfonso Famaran.

Ani Famaran, full capacity na ang kanilang 500 beds mula sa naunang 350 na kama na okupado ng mga may moderate, severe at critical cases.


Apela ni Famaran sa publiko, manatili na lang sa bahay upang mapigilan ang napakabilis na hawahan sa Metro Manila.

Facebook Comments