Idinulog ng good governance advocacy group sa tanggapan ng Department of Interior and local government(DILG) ang umano’y laganap na mga paglabag ng iba’t-ibang Brgy. Officials sa umiiral na Republic Act 11649 o “Bayanihan to heal As one”(BAHO) Act.
Sa kanyang liham kay DILG Secretary Eduardo Año, sinabi ni BenCyrus G. Ellorin, Pangulo ng at convenor ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon) na ikinaalarma ng kanilang samahan ang mga anomalya at kaduda-dudang pamamahagi ng mga Brgy. Officials sa ayuda-pinansiyal para sa mga benepisyaryo ng BAHO Act.
Nakasaad kasi sa mandato ng BAHO Act na ipinagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga Opisyal ng Brgy. ang pangangasiwa sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) cash allocation.
Salig sa Section 4(c) ng BAHO Act decrees na hindi bababa sa P5,000 at hindi naman lalampas sa P8,000 ang dapat na ibigay sa bawat pamilya na may mababang kita. Ang halaga ay dapat ipagkaloob sa kada pamilya at hindi sa bawat indibiduwal.
Malinaw ang tagubilin ng DSWD na isang alokasyon sa kada tahanan o pamilya.
Ang nakalulungkot, Ayon kay Ellorin, ay may mga indibiduwal na nagsamantala sa Krisis dulot ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagnanakaw ng salapi sa gobyerno sa paraan nang pagmamanipula ng proseso sa SAP distribution.
Kabilang sa mga tinukoy ni Ellorin na aniya ay dapat agarang tugunan ni Año ay ang mga sumusunod:
-Sta. Maria, Ilocos Sur-isang 3rd Class municipality. Napaulat na kinulimbat umano ng isa sa mga Brgy. Chairmen ang tig- P2,000 sa 132 SAP beneficiaries. Batid ng Pinoy Aksyon na ang reklamo ay nakarating na sa kaalaman ni Kalihim Año, ang nais umano nilang malaman ay kung iniimbestigahan na ba ang Kapitan na inirereklamo. Kung ito man ay iniimbestigahan na, nais din mabatid kung suspendido na ba ang opisyal o di kaya ay tanggalan na ito ng access sa SAP records upang hindi nito mamanipula ang impormasyon pabor sa kanya.
-Tupi at Lake Sebu, South Cotabato. Batay sa ulat ng
Philippine News Agency (PNA), may limang indibiduwal ang kinasuhan na mula sa mga bayan na ito. Perjury at estafa ang isinampa laban sa kanila dahil sa dalawang beses na pagkuha ng P5,000 emergency cash assistance.
Nakamamangha, ayon sa Pinoy Aksyon kung paano nakapag-nakaw ang mga naturang indibiduwal. Sa kabutihang palad ay natukoy ng DSWD-Region 12 (Soccksargen) ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Hindi naman muna pinangalanan sa PNA report ang mga suspek sa kabila ng kanilang maling gawi.
-Hagonoy, Bulacan. Matatandaan na sa kanyang pahayag sa telebisyon noong ika-4 ng Mayo ay sinabi ni Pangulong Duterte na may konsehal ng Brgy. mula sa munisipalidad na ito ang nagbulsa ng kalahati ng cash assistance na para sana sa kanyang nasasakupan.
“We cannot help but speculate on how something like this can happen right under the watch of other barangay officials. How did a barangay councilor like Flores have easy access to the SAP funds? Perhaps, barangays should implement checks and balances in the SAP process. Otherwise, the funds meant for those in need will just be stolen by those who are plain greedy” saad pa sa liham ni Ellorin.
-Brgy. Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan. Dalawang subdivisions dito ang nabiktima umano ng tinatawag na “double entry” scam.
Alpas Homes-na matatagpuan sa Sitio Panaklayan- 15 double entries ng SAP recipients sa komunidad na ito ang naitala.
Ani Ellorin, aalamin nila kung lihitimong mga residente ng Alphas homes ang mga pangalan na nasa listahan at kung pumayag ba ang mga na magamit ang kanilang mga pangalan para sa double entries. “If these individuals were fully aware of their involvement in this scam, then the DILG should launch an investigation to find out who masterminded this corrupt practice” giit ni Ellorin.
Saad pa ni Ellorin sa kanyang liham kay Año, “Surely, barangay officials could have done so much more to make sure that this kind of anomaly did not happen. It is difficult to believe that this wrongdoing would escape their scrutiny. So, it’s either they are negligent of their duties as public servants or they are also involved in the scam. The DILG has to look into this and launch an investigation to hold the barangay officials accountable. After all, it happened during their watch”
Marigold Village-Nabatid na naghayag ng kanyang saloobin nitong nagdaang buwan ng Hunyo ang Presidente ng Home owners association na si Norberto S. Murillo sa posibilidad nang anomalya sa ikalawang bugso nang pamamahagi ng SAP allocation sa komunidad.
Inihayag ni Murillo na isa umano sa board members ng Kanilang asosasyon ang sangkot sa aniya’y pangdudoktor sa pagproseso ng SAP forms. Aniya, hindi nila ito binigyan ng otorisasyon na para obligahin ang mga residente na fill-apan ang SAP forms sa mismong bahay lamang nito.
Ayon kay Murillo, maituturing na hayagang pambabastos sa HOA ang ginawa ng naturang board member nila.
Batay sa utos ng DSWD na ang pamamahagi ng SAP intake forms ay gagawin ng “house-to-house” para matiyak na walang pamilya ang makakaligtaan.
Maliban sa inerereklamong HOA board member ay may isa pang babae ang diumano’y sangkot din sa maanomalyang pagproseso ng intake forms. Sabi ni Murillo, hindi rin nito ipinaalam sa kanilang asosasyon ang kanyang diskarte.
Dahil dito, sinabi ni Murillo na inulan ng reklamo ang HOA mula sa 70 residente ng Marigold Village. Wala kasi aniyang natanggap na ayuda mula sa SAP ang mga complainant.
Dahil sa kontrobersiya hiniling ng Pinoy Aksyon kay Año na imbestigahan ang mga sumusunod na Brgy. Officials:
1. Barangay captain Marciano Gatchalian
2. Barangay councilor Dionisio Aque
3. Barangay councilor Edgar Celis
4. Barangay councilor Angelito Sarmiento
5. Barangay councilor Elizabeth Valerio
6. Barangay councilor Erick Ignacio
7. Barangay councilor Rustico Gatchalian
8. Barangay councilor Nomeriano Gojo Cruz
“The anomalies that happened in Alpas Homes and Marigold Village may just be one among many more. In light of this, the concerned citizens of Barangay Muzon would also want to ask the DILG to conduct a lifestyle check on Barangay Muzon captain Marciano Gatchalian to see if his Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) coincides with the way he lives. There have been many reports that he has not completely declared his assets” saad ni Ellorin.
“Gatchalian and the barangay councilors should be held accountable for the disgraceful events that happened during the watch” wika pa nito.
“Now, more than ever, as the whole country continues to deal with a massive public health crisis, barangay officials must be able to protect the government’s resources so that those who need it would benefit from it. We, the concerned citizens of the Philippines, are giving our full support to the DILG in tracking down SAP scammers and bringing them to justice” pagtatapos ni Ellorin.