Talamak na bentahan ng mga iligal na paputok, binabantayan ng DTI

Binabantayan ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang manufacturers na nagbebenta ng mga iligal na paputok.

Ayon kay Atty. Amanda Nograles ng DTI Consumer Protection Group, sa ngayon mahigit 1,500 illegal firecrackers na ang kanilang nakumpiska.

Natuklasan aniya kasi nila na dinidikitan ng PS mark o safety mark ng manufacturers ang mga paputok na hindi naman aprubado ng DTI.


Aniya, kung ordinaryong mamamayan ang bibili nito ay hindi agad-agad masusuri ng maayos.

Ayon kay Nograles, sa ngayon may apat na manufacturers na silang naisyuhan ng Notice of Violation.

Facebook Comments