Nakababahala umano ang talamak na deepfake o yung mga video at litrato na gamit ang artificial intelligence o AI sa mga social media platforms ayon sa ilang kabataang Pangasinense.
Anila, isa umano ito sa nagagamit sa pagpapakalat ng maling impormasyon at pinost sa mga pangunahing social media platforms.
Mahirap na rin umano sa panahon ngayong ang pagkilatis sa totoo at pekeng video at litrato dahil habang patuloy ang paglawak ng digitalization ay mas nagiging kapani-paniwala umano ang itsura ng mga inilalabas na edited contents na may kalakip na maling impormasyon.
Hindi rin daw dapat makatakas ang mga content providers na nasa likod ng pagpapakalat ng mga deepfake at fake news lalo sa panahon ngayon na basta-basta na lang naniniwala ang mga social media users sa mga naka post at naiiscroll sa kanilang feed. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









